BADMINTON--This is my GAME..

This is a blogsite dedicated to some of the stories and personal observations I have about Filipino badminton. Ang blog na ito ay para sa mga kuwento at personal na obserbasyon ukol sa Pinoy badminton. **The blog is in Filipino to have better appreciation of the stories./Ang blog ay nasa wikang Filipino upang lalong magtaas ng antas ng pang-unawa sa mga kuwento.

Tuesday, October 04, 2005

SKILL.STRATEGY.STAMINA.

SKILL.STRATEGY.STAMINA. Ito ang istilo ko sa badminton.

Skill. Bagamat hindi ako nagkaroon ng pormal na pag-aaral ng badminton, dala na hilig ko ito, pinipilit ko matutuhan ang tamang skills. Me siyentipiko na kalinangan tulad ng service, footwork, smash, overhand at backhand, netting. Malaki ang impluwensiya ng aking bestfriend sa pagsasanay. Hindi ko kayang matutuhan lahat, ngunit patuloy akong nagsisikap. Nariyan din ang ibang players na parati kong pinanonood upang matuto. Kailangan bukas ang kaisaipan ng kahit na sinong manlalaro sa pagsasanay ng iba-ibang tira.

Strategy. Bawat manlalaro ay may kanya-kanyang strategy o pamamaraan para maka iskor. Merong iba, nagseset ng rally o palitan ng tira bago humanap ng pagkakataon upang makalamang ng tira. Ang iba, dinadaan sa drop shot kaagad, sa husay ng serbisyo o di kaya sa lakas ng smash o palo.

Sa aking opinyon, kung mahusay ang kalaban, maganda na magkaroon ka ng malaking lamang sa simula upang mahirapan silang humabol ng iskor. Kung mahina ang kalaban, di mo kailangan magpakapagod. Kung mataba o mabigat ang kalaban, drop shot at mga tira sa gilid o boundary ng court ang ibigay mo. Kung matangkad ang kalaban, laging mababa ang serbisyo mo. Importante din na iba-iba ang istilo ng service mo. Sa ganitong paraan, unpredictable ang tira mo. Maaari kang maka iskor ng walang masyadong pagod o paghahabol na gagawin.

Stamina. Matagal bago magkaroon ng magandang body stamina lalo na at nagkakaedad na. Ang madalas na paglalaro ay makakatulong subalit hindi ito sapat. Sa aking pansariling opinyon, una, dapat magbawas ng timbang. Nakakahingal masyado kung mabigat ang katawan mo. Magiging mahusay ka lang sa unang 15 minuto. Pagkatapos nito, hirap ka na tumugon sa mga tira ng kalaban. Dapat meron pang ibang exercise routine na magpapatibay ng stamina. Ang paggamit ng threadmill or stationary bike ay makatulong. Gayundin ang jogging. Ang mga ito ay makapagsasanay sa baga ng tao upang tumagal sa pagtakbo at paghabol ng shuttle kapag naglalaro. Ang walking o regular na paglalakad ay mainam na warm-up session din. Ang pagbubuhat naman ng weights ay makakatulong upang lumakas ang mga braso. Ilan lamang ito. Marami pa ang puwedeng gawin upang magkaroon ng matibay na stamina.


1 Comments:

At 6:05 PM, Blogger fact.concept said...

Mahusay Miss Mavic! Sadyang napakasayang basahin ang iyong blog ukol dito. ("Badminton -- This is my GAME" [naaalala ko yung araw na naglalaro ka])Baka may matutunan ako.. hehe

 

Post a Comment

<< Home